Friends with Benefits: A Point Well Taken

Ano na ba ang panahon ngayon? Sabi nila, modern times na raw ngayon. Lahat ng bagay madaling palitan. Kahit anong gadget, kapag nasira ay pwede na itapon at palitan, hindi na dapat ayusin.

Ganun na rin ba sa relasyon?

Kahit saan ka lumingon, maraming tao ang naghahanap ng true love – quote and quote. Sa sobrang dami nila, iilan lang ang nakakahanap noon. Ang iba, namamatay na lang ng hindi man lang nakakatikim ng “true love.” Maraming gusto ang makatagpo ng totoong magmamahal sa kanila, forever and ever AMEN, pero iilan lang ba ang gustong sumugal sa totoong relasyon?

FRIENDS WITH BENEFITS

Usong-uso ‘yan ngayon! Lalo na sa mga taong takot na matali sa relasyon, o mga taong ayaw talagang magkaron ng totoong relasyon.

Bakit?

Kasi nga ayaw naman talaga ng seryosong relasyon. At uulitin ko, ayaw naman talaga ng totoong relasyon. Hindi nga kasi seryoso, gusto lang makipaglaro at ayaw ng seryosong relasyon. Isa pa? Ayaw nga. Bakit ka nga naman kukuha ng karelasyon na high maintenance kung pwede ka naman magkaroon ng kaibigan na ibibigay sa’yo lahat, as in, lahat LAHAT! At oo dala na po dun ang sex life, at again, hindi kailangang pumapasok sa isang relasyon. Pwede kayong mag-astang sweet, kumakain sa labas, magkasamang namamasyal sa mall, tumagay kasama buong barkada, manuod ng sine, mag one to sawang alipin ng unlimited call and text para lang magsabihan ng I miss you, I love you, oh baby, oh baby, at kung anu-ano pang kaartehan sa mundo na pwedeng gawin ng mga taong feel na feel ang pagpapakilig pero HINDI KAYO OFFICIALLY MAG-ON!

FRIENDS WITH BENEFITS

Pwede ka sumama kahit kanino mo gusto. Ok lang na hindi ka mag text, hindi ka tumawag, hindi ka mag “hi” sa FB, Twitter, Instagram, Skype, Viber, at kung anu-ano pa, at hindi kailangang magpaalam kung saan ka pupunta. At ok lang din na ganun ang gawin nya, basta kapag magkasama kayo, enjoy kayo. Pero kapag hindi na kayo magkasama, wala nang pakialaman, kahit lumandi pa sya sa iba. Basta wala kang karapatang magselos dahil ano ba naman kayo? Magkaibigan lang kayo at wala kang ibang lugar sa buhay nya kung hindi hanggang doon lang.

FRIENDS WITH BENEFITS

Maganda raw yang status na ‘yan kasi “no strings attached”. Walang commitment. Walang pakialamanan. Walang sisihan. Walang seryosohan. ¬†Paano ‘yan kung tuluyan kang mahulog sa kanya? Aba, again, walang pakialamanan. Walang basagan ng trip. Wala ring dramahan. At kung sawa na kayo sa isa’t-isa, eh ‘di tapon nyo ang isa’t-isa, kasi nga naman modern times na ngayon. Hindi na uso ang inaayos ang mga bagay-bagay at lahat disposable na, kahit tao.

Anong nangyari kay TRUE LOVE? Waley!

FRIENDS WITH BENEFITS. Free for all ‘yan. Bahala ka if you will grab it kasi libre lang naman ‘yan eh. Pero kapag nagkasakitan na, again and again and AGAIN, walang sisihan.

Friendly reminder lang po!

Featured image